Ok. Ito nanaman ako. Mas inuna ko pa to' kesa kumain ng dinner. Kahit gutom na gutom na ko. Hindi ko na rin kasi mareplayan yung mga katext ko. Nagtext na kasi sakin si 7210. Ayun wag na daw ako magtext kasi wala na kong load. Hay. Gabi na, hindi na rin ako makakapagload. Badtrip nga rin kasi di ko man lang nakachat sandali yung mommy ko. Hay. Pero at least nakatawag siya. Kinamusta yung UPCAT. Sabi ko mahirap, sabi niya kaya ko raw yun. Tapos sabi niya... Secret na lang namin yun. (:
Lumipas ang isang buong linggo, napagod lang ako, hindi lang pala ako pati buong humility. Daming ginagawa. Pressured. Stressed. Tired. Exhausted. Plus isali na rin natin yung 1 and 1/4 day suspension. Nung wednesday kasi nilibing na ang dating pangulo ng Pilipinas at ang Mother of Democracy na si Gng. Corazon "Cory" Aquino. Naks. Rest in Peace po. Sana happy na siya kasi kasama na niya si Ninoy. Ang daming taong nakilibing more than 8 hours bago tuluyang mahimlay na siya. Hanga din ako dun sa apat na taong nakatayo katabi ni Pangulong Cory. Astig. Saludo kami sa inyo.
Ayun. Nakabalik na nga pala si Janine. Welcome Back Nin! Namiss ka namin. Nandito lang kami lagi.
Bakit ganun? Sabi nila madali lang daw pag4th year ka na. Hindi naman pala. Mas mahirap pa pala to' kesa sa 3rd year. Doble ng pagiging junior to'
Sa ngayon ay nahuhumaling nanaman ako maglaro. Amp. Bawal pero gusto ko. Daxter nga pala yung nilalaro ko. Tapos may binabasa pa kong dalawang libro, NEW MOON (thanks to tetay) ang yung buk na binigay sa kin ng tito ko after the UPCAT entitled "Fine Things." Hindi ko pa siya gaanong nababasa. It is all about a man na kala niya nasa kanya na lahat ng gusto at kailangan niya pero may isa pang bagay o tao na wala pa sa kanya.. Secret na yun.. Basahin niyo na lang. Chapter 8 na pala ako sa New Moon. :D
Dito na muna. Gutom na ko eh. Eat muna :D
Your ability to connect with others is strong, but right now it is even stronger!
Friday, August 7, 2009
Wala Pang PART 2
Posted by Gelica Viola at 5:46 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment