Ayan. Post ulit. Pagod na ko. Pagod na pagod na. Isip non. Isip niyan. Gawa dito. Gawa don. Daming kailangang asikasuhin. Stressed na. NCAE pa bukas. Makisali din kaya ako dun sa mga nagrarally. Sa kabilang banda, huwag na lang, sakit pa sa lalamunan kakasigaw.
Marami na nga akong iniisip. May mga dumadagdag pa. Kainis. Nakakairita. Pero kailangan na lang intindihin. Lagi naman ganun eh. Sanay na. Lahat ng nangyayari, paulit-ulit na lang. PAULIT-ULIT na lang.
Hay. Nag- OASIS na rin kami sa wakas kanina. Dahil hindi umabot samin yung 1st batch, natulog muna ko. Tapos after 15-30 minutes kami naman. Napunta ako sa harap. Sagot. Sagot. Sagot. Pasa. Tapos nagDRY-RUN na rin kami para bukas. Sakit sa ulo. Di kasi ako kumain nanaman ng lunch kaya tuloy ang baba ng score ko. Amp.
Kanina nga pala may tinuro sa akin si Ien. Nung una di ko magets yung sinasabi niya. Kabisote mode lang yung iba kong sagot dun. Pero tinutulungan pa rin niya ko. Ito nga pala yun
Yan. Pinaghirapan ko pa yan. Pero enjoy naman eh. Pinacheck ko pa yan. Tama daw. Hahaha Lab u Ien.
Ok. So Ako ay inaantok na. Dito muna :DD
Tuesday, August 25, 2009
ika-dalawampu't lima ng agosto.
Posted by Gelica Viola at 4:53 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment