BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, July 26, 2009

Evening

Wat a day. Tambay sa bahay. Haayy. Umuulan nanaman. Pero ayos lang, wala daw pasok bukas. SONA plus yung sa Iglesia ni Cristo day. Sinabay na daw yun. Si Gloria talaga oh. Tsk. Tsk. Ayun nagawa ko na rin halos lahat ng assignments. Kelangan ko ng magreview para sa UPCAT. Kelangan ko na rin maghanap ng makakasama sa August 2. Amp naman kasi eh. ):

Nainspire ako dun sa pinost ni Hana sa blog niya yung tatlong mahahalagang bagay sa buhay. Tama tama yun. Kelangan pahalagahan mo yung magulang mo. Ngayon narealize ko yun kasi wala akong magulang ngayon. Magisa. Lagi na lang ganun. Wala tuloy ako kasama sa August 2. ): Magmula nung bata pa ako. Wala na sila. Iniwanan ako dito sa aming munting tahanan sa Malabon. Sabi ng lola ko, nung pagkapanganak ko pa lang daw, e iniwan na ko ng nanay ko dito para magaral. Ang sakit nun. Hahahaha. Pero ayos lang sakin yun ngayon kasi kinaya ko naman kahit wala sila. Ayan nageemo nanaman ako. Basta tama yun sinabi ni Hana na kahit pagbaligbaligtadin mo man ang mundo sila pa rin ang magulang mo.

Ayan lumalakas nanaman yun ulan. Tsk. Tsk. Hindi nga pala umuwi ngayon yung kapatid ko. ): Wala pa tuloy akong form sa FEU.

Pero panu pag wala ka ng kaibigan? Mabubuhay ka pa rin ba?

0 comments: