Oo nga. Tama tama. Linggo ngayon at maraming gagawin pero tinatamad ako. Lagi na lang. What's new? Haha. Paulit-ulit na lang. Ano ba meron? Puro na lang kami yung pinapahirapan niyo. Amp. Lagi na lang kasi. Kelan kaya matatapos yun? 4 months na lang at lalarga na kami. Pupunta na sa mas malaking mundo. Tatahakin na ang daan papunta sa kinabukasan namin. Ako, doon, siya dun, sila duun. Hiwahiwalay na. Sa totoo lang, gusto ko ng umalis dito pero gusto ko kasama parin sila. Gusto ko ng grumaduate pero natatakot baka hindi ko na sila makita. Mmm.. Sanay na akong iniiwanan pero bat ganun, di ko pa rin kayang may mawala. Masakit kaya para sa kin na iwanan kaya nga, ayokong may nagagalit sa kin. Hindi ako yung taong palaaway, gusto laging peace. Tama yung sinabi nila, gusto ko lahat ng tao maplease ko, kasi hindi ko alam kung ano mangyayari pag hindi ko meet yung expectations nila sa kin. Ayaw ko na ganun. Kaya pag may nagpapagawa, nagpapabili, may nagpapaayos pipilitin kong gawin kasi gusto ko matuwa sila kahit na nahihirapan ako. I dont know how to say NO. Nagpapatulong nga ako sa kanila pero hindi ko talaga kayang tumanggi pag may naguutos sa kin. Nagproprotesta na nga ako tsaka nagrereklamo pero ang bagsak parin ako yung gagawa. Nakokonsensiya din kasi ako pag pinasa ko sa iba yung dapat na sakin. Ewan ko ba kung bakit sila hindi ganun. Ako lang ba yung ganun?
Hayss. Hindi ko pa rin kayang magopen sa kanila kasi nakasanayan ko ng sa itago yun sa sarili ko para hindi na nila ako intindihin. Ayoko ng makigulo pa sa mundo nila. May problema na nga sila, dadagdagan ko pa. Pero pag hindi ko na kaya yun yung time na naglalabas na ko sa mga taong kaya akong tuluyan. Yung mga taong wala masyadong problema. Baka kasi sabihin ng iba ngiistorbo pa ko. Yung yung ayoko, yung masasabihan ako ng ganun. Kaya ako na lang yung umiiwas sa problema.
Hindi rin ako marunong mangutos. As long as kaya ko siya gawin, gagawin ko.
Madali rin akong makonsensiya.
Ang alam ko sa sarili ko nung una, independent ako, pero narealize ko hindi papala. Maraming times na rin akong humihingi ng payo o tulong sa iba, tapos kung ano yung sinabi nila yung agad yung gagawin ko. Hindi ako marunong magjudge. Hindi ko alam kung ano yung tama sa mali.
Mmm... Dito na lang muna (:(:
Saturday, November 28, 2009
I don't deserve all of you
Posted by Gelica Viola at 7:14 PM 0 comments
Monday, November 16, 2009
4 Months.. and its OVER
Ayan. Four months na lang at tapos na ang highschool life namin. Kahit sobrang daming problema lahat kami sama-sama pa rin. Ewan ba namin. Dito na lahat nagyayari sa year na to.
Mamimiss ko lahat sila. College na kami. Sana pumasa lahat kami. Hirap ng ganun. Sobrang close lahat kami sa room tapos maghihiwalay. Pero talagang ganun, panu yun wala akong friends dun kung san man ako mapupunta. Hayss.
May kasalanan pa pala ako. Oo. Sayo nga. Sa inyo nga. Sorry. Lagi na lang sorry, pero ewan ko ba. Sa tamang panahon. Basta.
Di ko pa rin siya kinakausap. Sabi niya kausapin ko na siya pero di ko talaga kaya. Ang hirap iexplain kung bakit. Basta ayaw ko!
Dami nanamang assignments. Walang katapusan. Pero sana bago kami umalis maging masaya lahat kami, farewell party? Hahaha Tapos magkabati-bati na yung mga galit galit. Pleaseeeee..
Gragraduate na tayo galit pa rin. Tapos nanaman yun. Palagpasin na natin. Hindi na ulit yung mangyayari.. Pleaseeeeeee...
Ngayon lang ulit ako nagpost dito kasi tinatamad ako. Actually kaya ako nagsulat ngayon kasi inaantay ko magload yung video. Hahaha
Sige dito na lang
Posted by Gelica Viola at 1:53 AM 0 comments